Gospel Luke 6:7-26

Bakit Gano’n?

Kailangan bang kumalam ang sikmura ko para maalala lang kita? Kung kailan ako nalulungkot, saka naman nariyan ka? ‘Di man ikaw ang hanap, ginawa ko ang lahat para maging masaya. Pero ano? ‘Di man lang nadama kahit kaunting kaligayahan.

Kinamuhian na ‘ko ng lahat; pinalayas at pinagbintangan. May dahilan pa ba para magdiwang? Kailangan bang maging sagad sa buto ang kalungkutan madama ko lamang ang pag-ibig mo?

Sa totoo lang, ‘di ko maintindihan kung paano ka magmahal. Kung kailan kita sinaktan, saka mo ‘ko ‘di tinantanan. Kung kailan ako lumayo, saka naman ‘di mo ako iniwan.

Nguni’t bakit gano’n? Kung kailan handa na ‘kong mahalin kang muli, saka ka naman lumisan.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.