Bible passage John 21:15-19

Sumunod Ka Sa Akin

Mahal mo ba ako? Oo naman. Kailangan pa bang itanong ‘yan?

Mahal mo ba ako? Oo sabi. Ang kulit!

Mahal mo ba ako? Ala eh, ang kulit! Kailangan bang itanong paulit-ulit?

Pasensya na! Si Tatay kasi at si Nanay, ni minsan ‘di ko narinig sa kanila ang “Mahal kita!” Alam kong mahal nila ako. Naipakikita naman nila. Kaya lang kasi, lahat ng bagay mahalaga.

Kaya pag nagka-baby na tayo, sa tuwing patutulugin na natin siya, lagi nating ibubulong, “Anak, mahal kita.” Kahit hindi niya nauunawaan. Marahil sa kaniyang pagtanda, kahit minsan, marinig natin sa kaniya, “‘Nay, ‘Tay, mahal kita.”

Do you love me more than these others do? … Follow me. ~ John 21:15-19


Fr Chito speaks of the virtue of solidarity. “Everything matters for the Christian believer. It just matters for the one who truly loves and cares for the Lord.” ~ Fr Chito

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.