Gospel Luke 6:27-38

Mahal Kita Kahit Galit Ako Sa Iyo?

Nananahimik ako dito. Bakit ba wala ka’ng tigil sa kaba-bash? May nagawa ba ‘ko sa iyo? Magkakilala ba tayo? Bakit ‘di mo subukang magmahal? Unahin mo ang sarili mo; ang nanay mo; sa anak mo; sa asawa mo. Sa kanila ka huhugot ng pagmamahal. Pag-ibig nila ang huhubog sa iyo.

Pero ano’ng nangyari? Bakit ka nagkaganyan? Sino ang humubog sa ‘yo?

Aaminin ko, nasaktan ako sa ginawa mo. At galit ako. Pero ayokong maging katulad mo. Mas nanaisin ko’ng magmahal kaysa malunod sa inis at kirot na dinulot mo.

Kung kaibigan lang kita, mahal kita kahit galit ako sa ‘yo. Nguni’t hindi. Hindi kita kaibigan at hindi rin kita kaaway. Kung kaaway ang turing mo sa akin, sana makilala kita dahil panalangin ko’y matutunan mo akong mahalin.

… the amount you measure out is the amount you will be given back.

Luke 6:38

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.