Philippians 3:17-4:1

Saan Ka Ba Pupulutin?

Totoo bang may langit?

Kailangan pa bang itanong ‘yan? Araw-araw mong dinarasal ang Ama Namin. Unang linya pa lamang, binanggit na ang langit. Sa kaninong bibig ba siya nanggaling? ‘Di ba, kay Jesus mismo. E bakit tila diskumpiyado ka pa?

Bakit mo tinatanong? Nag-aalala ka ba? Na baka hindi ka pumunta ng langit? Dapat ka lang mag-alala! Dahil naliligiran ka ng mga bagay na panlupa. Laman ng puso’t isip mo, puro kamunduhan. Ang iniidolo mo, mga artistang Koreano, Amerikano, at Pilipinong nagpapatili sa iyo.

Kailan ka ba tumili kay Kristo? Tamad ka ngang magsimba eh. Nasa simbahan ka nga, yakap mo naman kung hindi Android, kasintahan mo.

Nagkalat na nga ang mga imahe sa simbahan para ipaalala sa ‘yo ang mga buhay ng mga santong huwaran. Pero, hanggang punas ka lang. Isabuhay mo naman, kahit kaunti lang.

Pangako ni Lord, babaguhin niya ang anyo mo pagdating ng tamang panahon. Pero may kapalit: huwag mo siyang ipagpalit sa mga bagay na panlupa.

So, ngayon, alam mo na kung saan ka pupulutin.

… Do not give way, but remain faithful in the Lord.

Philippians 4:1

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.