Wow Wow Win

Heto ang mga pwede mong gawin kapag sobrang traffic: magdasal, murahin ang gobyerno, o mag-compose ng tula. At dahil love month ngayon napagtripan kong sumulat ng tula ng pag-ibig. LOL 😀 Basa…

Aanhin ang pag-ibig na wagas kung wala namang pambili ng bigas?
Anong kwenta ng forever kung walang pambayad ng monthly bills?
So bago ka mangako ng buwan at bituin siguraduhing kaya mo siyang buhayin.

Makinig dito sa aking pangaral na sa pag-ibig ‘di lang dapat puso ang pinapairal. Ang isip ang mas dapat gamitin kung gusto mong magkaroon ng happy ending.

At kung love, love, love pa rin ang patuloy mong isisigaw, ang masasabi ko lang: Eh di WOW!